Wednesday, June 17, 2009

GINATAANG KAMBING



Ito ay isa sa mga handa namin nong nagkaroon kami ng family reunion. Pinaka main dish namin ito at paborito ito ng mga maranao dahil sa paniniwala tungkol sa pagkatay at pagkain ng kambing.
Tuwing may occasyon hindi ito mawawala sa mga maranao, lalo na tuwing kandore.

Ginataang kambing

mga sangkap:

1 kilo karne ng kambing
1 cup gata ng niyog (unang gata)
1000 ml gata ng niyog (pangalawang gata)
3 kutsara ng palapa
1 kutsara ng kalawag
1 kutsara bawang
2 pcs sibuyas
1/2 tali ng sibuyas na mura
2 pcs carrots
2 pcs patatas
2 red/green bell pepper
4 dahong laurel
salt to taste


Paraan ng Pagloto:

1. Igisa ang sibuyas, bawang, palapa, at bell peppers, dahon ng laurel
2. Ilagay ang karne ng kambing sa ginisa
( puede iloto sa pressure cooker para mabilis ang paglambot ng karne)
3. hayaan kumulo ang karne, hangat sa malapit ng matuyuan ng tubig
ilagay ang kalawag at
4. lagyan ng asin pag lumambot na ang karne.
5. ilagay ang panggalawang gata ng niyog
6. ilagay ang carrots at patatas
7. pakuluin hangat maloto ang patatas at carrots
8. lagyan ulit ng palapa
9. ilagay ang unang gata
10. ilagay ang sibuyas na mura
11. ihain ng mainit

1 comment: