Tuesday, March 31, 2009

KIMUS



Isa rin ito sa mga pagkain inihahanda kapag may occasion. maraming sangkap na puedeng gamitin dito gaya ng baka, hipon. Giniling na baka ang ginamit ko. Yon ang meron kami sa ref. at ipagluto ko daw ang asawa ko ng kimus. actually, hindi ako marunong magluto nito. LAst 2 years binigyan ako ng sister-in-law ko ng beef kimus kaya nagkaroon ako ng idea.Nagpaturo ako sa mommy ko ng paggawa ng kimus. Pangalawa ko na ito niloto at masarap naman siya dahil nilagyan ko ng twist. noon una kasi kulang sa sangkap atsaka kumo first time nga.

Mahirap ito gawin madaming paraan ng paggawa pero sulit naman dahil masarap! tinatancha ko lang ang mga sangkap.



Beef kimus

mga sangkap:

3/4 karne ng baka (giniling)

1 buo niyog (kayod)

1 baso carrots/diced (optional)

2 medium bell peppers/ red or green (diced) or sibuyas na mura (leeks)

4 pcs dahon ng laurel

1 large onions (diced)

2 kutsara KALAWAG
3 kutsara PALAPA
asin




Paraan ng pagluto



1. Ilagay sa giniling na baka ang palapa, niyog, kalawag, sibuyas o leeks, at asin,
2. haluin ng mabuti hanggang sa magkulay dilaw lahat ng sangkap
3. dikdikin ang pinaghalo sangkap hangang sa magdikit dikit na ito o mamasamasa.
4. ilagay ang carrots, bell peppers o leeks
5. imolde ng pabilog o pakurteng itlog, maglagay ng dahon ng laurel sa steamer
6. i-steam ito hangang 20 mins hangang sa maluto ang karne ng baka.

1 comment:

  1. salam!

    thanks sa pagpost ng mga maranao recipes :)
    buti't meron rin palang recipe nito dito..tagal na akong di nakakain nito.

    pwede bang ipost mo rin yung recipe sa pater? gusto ko kasing gumawa ng nun, kaso lang medyo hindi ko makuha yung lasang gusto ko. just in case lang na alam mo kung pano gawin.

    thanks!

    ReplyDelete