Sunday, December 26, 2010

PHOSAN




My version of posan, ang phosan ay maliliit na isda na binuro sa asin sobrang alat nito. para itong bagoong alamang sa tagalog. ang isang baso nito ay nagkakahalaga ng 250, ganun sya kamahal! sa lanao lang ito nabibili,meron din sa quipo


PHOSAN


Iginisa ko lang ito sa sibuyas, kamatis at sa palapa nilagyan ko ng kunting niyog.
Hanggang sa mahalo ang mga sangkap at maluto dinagdagan ko ng fresh na petchay. viola! may instant ulam na!
Masarap ito kasama sa prito at kanin. pede ring appetizer





INALOBAN A TILAPYA



Paborito ito ng aking asawa kaya palagi ito ang niloloto ko, pwede kahit anong isda basta inihaw.

Inaloban a Tilapya


Mga Sangkap



1 kilo tilapia
niyog
Talbos ng kamoteng kahoy
kagoko o bell peppers
1 sibuyas
Asin
KALAWAG
PALAPA

Paraan ng Pagluto


1. Ihawin ang tilapia. itabi
2. sa isang kaserola ilagay ang inihaw na tilapia
3. Ilagay ang mga sangkap 1/2 kutsara ng kalawag, asin, palapa, at kagoko o bell peppers
4. Ilagay ang 2 o 3 baso pangalawang gata, depende kung gusto mo ng masabaw, pakuluin
5. ilagay ang 1 basong kakang gata (unang gata), pakuluin
6. Ilagay ang talbos ng kamoteng kahoy
7. ihain kasama ang kanin

Monday, December 20, 2010

Phesasati-a-odang




Isa ito sa mga handa namin para sa kandori (handaan kahit anong okasyon)


PHESASATI-A-ODANG


Mga Sangkap


1 kilo fresh Odang/ hipon
1 niyog (tiyolo)
palapa
1 sibuyas
1/2 cup bell pepper(kagoko)
4 na itlog

Paraan ng Pagluto:

1. Ihanda ang Tiyolo. sangagin ang niyog hanggang sa maging brown ito at itabi
2. sa ibang lalagyan ilagay ang fresh odang o hipon sa isang mixing bowl
3. ihalo ang tiyolo sa odang kasama ang palapa
4. ilagay ang sibuyas at bell peppers o kagoko
5. Paghaluin ang lahat ng sangkap lagyan ng asin ayon sa panlasa at dikdikin upang mahalo ng husto
6. ihalo ang itlog paisa isa at tansahin ang paglagay ng itlog para hindi maging malapot baka hindi mahulma
7. ihulma ng pabilog o kahit ano na hugis na nais mo.
tips: kung walang hulmahan gumamit ng takip ng garapon yong tama lang ang laki, isuot sa platic para madaling matangal
8. Iprito sa mantika
9. Ihanda habang mainit kasama ang kanin

Friday, December 10, 2010

PHOTOS

TIYATUD





AMIK

KALAWAG

KALAWAG- galing ito sa 'dilaw' na kagaya ng luya. nabibili po ito sa lanao o sa quiapo. pinopolbo nila ang dilaw para maging kalawag ito at ginagamit na pang kulay sa pagkain ng maranao. kadalasan ay dilaw ang kulay ng mga pagkain ng mga maranao.


PALAPA

PALAPA- nilalagay ito sa pagkain para pampalasa. maanghang ito dahil sa mga sangkap nito na luya at sili.






Sangkap ng Paggawa ng PALAPA:
(approx 1 baso)

~Sakurab-1 tali
~Luya- 1 buo malaki
~Siling Labuyo- 20 piraso

Paraan ng paggawa ng palapa:

1. hugasan ang sakurab, luya at hiwain
2. Dikdikin kasama ang siling labuyo hangang sa mahalo ang mga sangkap
3. kung may natira pang palapa pude pang gamitin sa iba pang maranao recipe ilagay lang sa refrigerator. tumatagal hangang 1 linggo budburan lang ng asin

SAKURAB



SAKURAB - 'sakurab' ang tawag ng maranao dito. nabibili po ito sa probinsya sa lanao del sur para siyang sibuyas. hindi ko lang alam kung tumutubo ito sa manila o sa ibang probinsya. meron ito sa quiapo,basta muslim area nagtitinda din sila nito