BIYARING
Ang Biyaring ay pang karaniwang pagkain ng mga maranao. Minsan nang mapasyal ako sa aming probinsya may mga dumadaan na naglalako ng hipon na maliliit at ito ang ginagawang biyaring. Hilaw na hipon or kinilaw sa tagalog.
Bihira lang ako makakain ng biyaring dahil kailangan ay buhay pa kapag gagawin ito or fresh. Nagrequest ako kay abay (auntie ko) kaya siya ang gumawa ng nasa picture na yan.
Mga sangkap
fresh Hipon 1 baso
luya, cubes
siling labuyo
talbos or dahon ng papaya (optional) shrededed
calamansi (optional)
Paraan ng Pagluto
Hugasan mabuti ang hipon, tanggalin ang nguso ng hipon at ang buntot
dikdikin ang luya at sili, ihalo ang hipon dikdikin
pwedeng lagyan ng calamansi at ng dahon ng papaya
Tanchahin ang mga sangkapan ayon sa timbang ng hipon
Masarap sa pritong isda at kanin.. enjoy!!