Hi! Ito ang kauna unahan kong video. Bilang pasimula sa aking pagba VLOG! Abangan po dito at sa facebook page ko.
MARANAO RECIPE
This blog is for muslim also non-muslim who wants to know how to cook Maranao Food and learning there culture and lifestyle.
Saturday, November 7, 2020
Tuesday, July 23, 2013
PAKBOL
PAKBOL
Isa sa mga meryenda namin ang Pakbol, Ito ay saging na binalutan ng kamoteng kahoy
Mga Sangkap
1 kilo kinudkud kamoteng kahoy
1 pegeng saging na saba
asukal
mantika
Paraan ng Paggawa
1. Kudkurin ang kamoteng kahoy tanggalin ang katas nito
2. Sa isang plastic na manipis (supot hatiin sa dalawa) maglagay ng 2 kutsarang kinudkud na kamoteng kahoy
takpan ng kabilang plastic at irolyo ang kamoteng kahoy para maflat
3. Ilagay ang saging na saba at balutin ito ng naflat na kinudkud na kamoteng kahoy
4. Iprito sa mantika hanggang sa maging golden brown
5. Budburang ng asukal
Wednesday, May 29, 2013
BADAK
BADAK
Mga Sangkap
1kilo fresh Langka or Jackfruit
4 pcs Bulad or Dried fish
1 1/2 onions
3 pcs bell pepper
1 sibuyas na mura or onion leeks
2 cups kakang gata (unang piga)
1 liter gata (2nd)
1 1/2 cup Tiyolo
(paggawa: isangag ang niyog hanggang maging brown, medium heat)
5 tbsp Palapa (proceed to my blog for instruction how to make palapa)
5 dried laurel leaves
Paraan ng Paggawa
1. Ihanda lahat ng sangkap
2. ilagay sa kaserola ang langka, budburan ng kalawag o turmeric, 3 tbsp palapa, ilagay na din ang sibuyas or onions, bell pepper,laurel leaves, tiyolo at saka yong bulad.
3. ilagay ang pangalawang gata at pakuluin ng 30 mins palambutin ang langka. kailangan pantay ang tubig sa dami ng langka.
4. kapag kumulo na lagyan ng asin 2 tbsp
5. lagyan ulit ng 1tbsp na palapa
6 .ilagay ang kakang gata (unang piga)
7. kapag kumulo na, ilagay ang sibuyas na mura
as requested by one of our reader..
Mga Sangkap
1kilo fresh Langka or Jackfruit
4 pcs Bulad or Dried fish
1 1/2 onions
3 pcs bell pepper
1 sibuyas na mura or onion leeks
2 cups kakang gata (unang piga)
1 liter gata (2nd)
1 1/2 cup Tiyolo
(paggawa: isangag ang niyog hanggang maging brown, medium heat)
5 tbsp Palapa (proceed to my blog for instruction how to make palapa)
5 dried laurel leaves
Paraan ng Paggawa
1. Ihanda lahat ng sangkap
2. ilagay sa kaserola ang langka, budburan ng kalawag o turmeric, 3 tbsp palapa, ilagay na din ang sibuyas or onions, bell pepper,laurel leaves, tiyolo at saka yong bulad.
3. ilagay ang pangalawang gata at pakuluin ng 30 mins palambutin ang langka. kailangan pantay ang tubig sa dami ng langka.
4. kapag kumulo na lagyan ng asin 2 tbsp
5. lagyan ulit ng 1tbsp na palapa
6 .ilagay ang kakang gata (unang piga)
7. kapag kumulo na, ilagay ang sibuyas na mura
Kinilaw na tanigue ala Maranao
Ingredients
1/2 fresh tanigue meat,cubes
2 pcs small onions, chopped
3 pcs tomatoes, chopped
4 pcs siling haba, chopped
3 tbsp ginger, chopped
3 tbsp siling labuyo, chopped
1 whole cucumber,chopped
385ml vinegar/suka1 can evap milk
Procedure:
-wash fresh tanigue meat with vinegar or suka.drain
- add half of the remaining vinegar let it stand for 15minutes or more
-add the sili labuyo. sprinkle with salt to taste.
-add the remaining ingredients tomatoes, cucumber, siling haba and ginger
-add evap milk. salt to taste
Friday, November 23, 2012
BIYARING OR kinilaw na hipon
BIYARING
Ang Biyaring ay pang karaniwang pagkain ng mga maranao. Minsan nang mapasyal ako sa aming probinsya may mga dumadaan na naglalako ng hipon na maliliit at ito ang ginagawang biyaring. Hilaw na hipon or kinilaw sa tagalog.
Bihira lang ako makakain ng biyaring dahil kailangan ay buhay pa kapag gagawin ito or fresh. Nagrequest ako kay abay (auntie ko) kaya siya ang gumawa ng nasa picture na yan.
Mga sangkap
fresh Hipon 1 baso
luya, cubes
siling labuyo
talbos or dahon ng papaya (optional) shrededed
calamansi (optional)
Paraan ng Pagluto
Hugasan mabuti ang hipon, tanggalin ang nguso ng hipon at ang buntot
dikdikin ang luya at sili, ihalo ang hipon dikdikin
pwedeng lagyan ng calamansi at ng dahon ng papaya
Tanchahin ang mga sangkapan ayon sa timbang ng hipon
Masarap sa pritong isda at kanin.. enjoy!!
Monday, January 31, 2011
Rendang
Salamat kay lidwa para sa photo ng rendang, hindi kasi ako nakagawa dahil biglaan po at by request ang beef rendang isa sa mga reader po ng maranaorecipe
Ang beef rendang ay inihahanda ito tuwing may mahalagang okasyon, special ang putahe na ito dahil nga sa beef ang gamit nito atsaka mahirap iang proseso ng paggawa.
BEEF RENDANG
Mga Sangkap
Beef o Baka 1 kilo (para sa 20 katao)
Tiyolo/niyog 1 kilo
Niyog 1 kilo,(kakang gata 1 baso)
Bell peppers (ordinaryong slice) medium 2 pcs
sibuyas (ordinaryong slice) 1 large
sibuyas na mura
bawang 1 kutsara
PALAPA 1/2 cup (kung gusto ng mas maanghan)
KALAWAG 2 kutsara
Patatas (optional) 2 pcs malalaki hiwain sa apat
Dahon ng Laurel 6 na piraso
Paggawa ng tiyolo
1. sangagin ang niyog hangang sa maloto at kulay brown, bantayan at dapat mahina ang apoy dahil madali itong masunog.
2. dikdikin upang maging pino (dikdikin habang mainit) dahil malotong pa ito at madaling dikdikin.
3. itabi
Paraan ng Paggawa
1. Igisa ang karne ng baka sa bawang at sibuyas at ng palapa,ilagay ang tiyolo sa karne, bell peppers, dahon ng laurel. haluin
2. Palambutin ang karne ng baka ng 15 mins. gamit ang pressure cooker para sa mabilis na paglambot ng karne o kung walang pressure cooker mga 40 mins.
3. Kapag lumambot na ang baka Ilagay ang patatas atsaka ilagay ang pangalawang gata (3 baso approx.) kung mahilig sa sabaw pwedeng mas damihan ng tubig. ilagay ang kalawag, asin ayon sa panlasa pero mas mainam na medyo maalat
4 .Kapag malambot na ang patatas ilagay ang kakang gata (unang gata)
5. Pakuluin tapos ilagay ang sibuyas na mura. ihain kasama ang kanin
Sunday, December 26, 2010
PHOSAN
My version of posan, ang phosan ay maliliit na isda na binuro sa asin sobrang alat nito. para itong bagoong alamang sa tagalog. ang isang baso nito ay nagkakahalaga ng 250, ganun sya kamahal! sa lanao lang ito nabibili,meron din sa quipo
PHOSAN
Iginisa ko lang ito sa sibuyas, kamatis at sa palapa nilagyan ko ng kunting niyog.
Hanggang sa mahalo ang mga sangkap at maluto dinagdagan ko ng fresh na petchay. viola! may instant ulam na!
Masarap ito kasama sa prito at kanin. pede ring appetizer
Subscribe to:
Posts (Atom)