This blog is for muslim also non-muslim who wants to know how to cook Maranao Food and learning there culture and lifestyle.
Wednesday, June 24, 2009
LUMPIA BANGUS
Mahilig ang maranao sa mga isda, simple putahe ito inihanda ko para hindi namn puro simpleng isda. instead na manok bangus ang ginamit ko dito. para din sa mga batang pihikan kumain ng gulay.
LUMPIA BANGUS
Mga sangkap
Lumpia wrapper
1/2 bangus
2 pcs carrots (cube)
2 pcs patatas (cube)
2 pcs bell peppers (cube)
1 pcs sibuyas
salt and pepper
palapa (optional)
dips
1 tbsp mayonnaise
1 tsp ketchup
salt and pepper
Mga paraan ng Pagluto
1. Tanggalin ang laman ng bangus sa balat nito kagaya ng paggawa ng relleno
2. Pakuluan ang laman ng bangus, pag naluto na tanggalin ang mga tinik, himayin
3. igisa sa sibuyas ang hinimay na bangus ilagay ang palapa, asin, at mga gulay. set aside.
4. balutin ito pag malamig na pinaghalong sangkap sa lumpia wrapper
5. iprito at ihain.
6. dips: paghaluin lang ang mga sangkap.
Friday, June 19, 2009
GINATAANG MANOK/ CHICKEN SOUP
Bago ako gumawa ng paiparan a manok, gumawa ako ng sabaw ng manok. kahit ano gulay na gusto mo puede, ang ginamit ko dito ay sayote. puede rin ang patatas.
GINATAANG MANOK/ CHICKEN SOUP
mga sangkap:
1 kilo manok
1 pcs sayote,hiwain
1/2 repolyo, hiwain
1 baso gata ng niyog (unang gata)
1 liter gata ng niyog (pangalawa gata)
2 kutsara palapa
1 kutsara KALAWAG
1 sibuyas,hiwain
1/2 kutsarita bawang
2 Stalk ng sibuyas na mura
2 red bell peppers
asin ayon sa panlasa
Paraan ng Pagluto:
1. Igisa ang sibuyas, bawang, palapa, bell peppers
2. ilagay ang manok, kalawag, asin
3. ilagay ang pangalawang gata ng niyog, pag malambot na ang manok itabi ito at gagamitin sa PIAPARAN.
4. natirang sabaw ng manok, ilagay ang sayote
5. pag malambot na ang sayote ilagay ang unang gata ng niyog
6. ilagay ang repolyo at dahon ng sibuyas pag kumulo na ihain.
tips:
para hindi magbuo buo ang gata ng niyog kapag kumukulo haluin lang wag takipan.
CHICKEN PIAPARAN
Ito ang handa namin ngayon dahil friday, special day ng mga muslim. kaya special ang inihanda ko. parehas din ito sa paggawa ng bakas piaparan. iba nga lang ang paraan ng pagluto.
mga sangkap:
1 kilo manok (galing sa GINATAANG MANOK)
1/2 laman ng Niyog na kinayod
2 kutsara palapa
1 kutsara kalawag
1 sibuyas
1/2 kutsarita bawang
2 Stalk ng sibuyas na mura (onion leeks)
2 red bell peppers
2 kutsara asin
Paraan ng Pagluto:
1. Lagyan ng kalawag ang laman ng niyog. haluin.itabi.
2. Igisa ang sibuyas, bawang, palapa, bell peppers, sibuya na mura
3. ilagay ang laman ng niyog
4. lagyan ng dahon ng laurel at isunod ang manok ito yong galing sa sinabawan na manok o chicken soup
5. lagyan ng asin ayon sa panlasa.haluin at ihain.
4. lagyan ng dahon ng laurel at isunod ang manok ito yong galing sa sinabawan na manok o chicken soup
5. lagyan ng asin ayon sa panlasa.haluin at ihain.
Thursday, June 18, 2009
shamp curried veggies with tofu
Isa ito sa mga paborito kong pagkain lalo na ang tofu. Hindi ito maranao food pero nilagay ko na din dito, mahilig din sa gulay ang mga mga maranao lalo na ang mga matatanda.
shamp curried veggies with tofu
Mga sangkap
1/2 kilo manok, hipon
4 pcs tokwa (fried), chunks
1 kilo itlog ng pugo
2 pcs carrots
1 pcs sayote
1 guhit ng baguio beans
1 brocolli
1 cauliflower
1/2 repolyo
1 big sibuyas
2 pcs ng bell peppers
1/2 kutsarita bawang
gata ng niyog
2 kutsara curry powder
palapa (optional)
salt to taste
Paraan ng pagluto:
1. Igisa ang bawang, sibuyas, bell peppers saka ng manok
2. ilagay lahat ng gulay unahin ang carrots isunod ang mga natirang gulay
3. ilagay ang gata ng niyog, pakuluin
4. lagyan ng curry powder, asin
5. pag malambot na ang gulay dapat half cook lang, ilagay ang tokwa at itlog ng pugo
6. ihain ng mainit
tip: mas malasa kung ang gagamitin na curry powder ay 'shan vegetable curry mix'
KIYONING
Isa rin ito sa mga handa namin noon family reunion namin, ang kiyoning! mommy ko ang nagluto nito. tinuruan nya ako paano magluto ng kiyoning.
Special daw ang kiyoning na ito kapag inihahanda, kinulayan ng dilaw ang bigas kaya naging dilaw ang bigas. Parehas lang ng pagluto sa plain na bigas kaya lang ito ay kinulayan.
Kiyoning na bigas
mga sangkap:
1 kilo bigas
2-3 kutsara kalawag
2-3 kutsara olive oil o mantika
2pcs dahon ng laurel
salt to taste
Paraan ng Pagluto:
1. Ihalo ang kalawag sa bigas haluin mabuti hanggat makulayan lahat ng bigas.
2. Lagyan ng asin at mantika at dahon ng laurel
3. lagyan ng tubig ang napaghalong sangkap
4. iloto sa gaya ng paraan ng pagluto ng bigas.
DODOL
Isa ito sa delicacies ng mga maranao ang DODOL, kagaya ito ng mga malalagkit na kakanin kulay itim ito. puede haluan ng durian para sa mga mahilig ng durian. Nabibili ito sa lugar sa iligan sa baloi. kadalasan doon kami bumibili.
mga sangkap
Coconut or coconut milk
Sugar
Durian(optional)
Rice flour
Pilit pulotan Flour
2 kilo of rice
5 kilo of pilit rice
5 pcs of durian (optional)
6 gallons of coconut milk
4 kilo of brown sugar
1500 condesada milk
Paraan ng pagluto
1.Gilingin ang bigas at ang pilit na ibinabad sa tubig,
2.tapus pakuloin ang coconut milk sa isang Malaking kawali pag ito ay medyo nag langis na
3.ilagay ang 2 kg brown sugar at tunawin ng maigi at haluin
4.ilagay ang nagiling na bigas at pilit, tuloy tuloy ang paghalu para hindi masunog. hinaan ang apoy
5.ilagay ang durian at haluin. haluin mabuti.
6.lagyan ng brown sugar ulit sa pamamagitan ng pag pisik sa kamay 7.ilagay ang Condesmilk haluin ng haloin,
8.alisin ang mga langis na lumalabas sa Kawali para ito ay madaling maluto,
9.ilagay sa paglalagyan pag ito ay luto (malagkit).
mga sangkap
Coconut or coconut milk
Sugar
Durian(optional)
Rice flour
Pilit pulotan Flour
2 kilo of rice
5 kilo of pilit rice
5 pcs of durian (optional)
6 gallons of coconut milk
4 kilo of brown sugar
1500 condesada milk
Paraan ng pagluto
1.Gilingin ang bigas at ang pilit na ibinabad sa tubig,
2.tapus pakuloin ang coconut milk sa isang Malaking kawali pag ito ay medyo nag langis na
3.ilagay ang 2 kg brown sugar at tunawin ng maigi at haluin
4.ilagay ang nagiling na bigas at pilit, tuloy tuloy ang paghalu para hindi masunog. hinaan ang apoy
5.ilagay ang durian at haluin. haluin mabuti.
6.lagyan ng brown sugar ulit sa pamamagitan ng pag pisik sa kamay 7.ilagay ang Condesmilk haluin ng haloin,
8.alisin ang mga langis na lumalabas sa Kawali para ito ay madaling maluto,
9.ilagay sa paglalagyan pag ito ay luto (malagkit).
Wednesday, June 17, 2009
GINATAANG KAMBING
Ito ay isa sa mga handa namin nong nagkaroon kami ng family reunion. Pinaka main dish namin ito at paborito ito ng mga maranao dahil sa paniniwala tungkol sa pagkatay at pagkain ng kambing.
Tuwing may occasyon hindi ito mawawala sa mga maranao, lalo na tuwing kandore.
Ginataang kambing
mga sangkap:
1 kilo karne ng kambing
1 cup gata ng niyog (unang gata)
1000 ml gata ng niyog (pangalawang gata)
3 kutsara ng palapa
1 kutsara ng kalawag
1 kutsara bawang
2 pcs sibuyas
1/2 tali ng sibuyas na mura
2 pcs carrots
2 pcs patatas
2 red/green bell pepper
4 dahong laurel
salt to taste
Paraan ng Pagloto:
1. Igisa ang sibuyas, bawang, palapa, at bell peppers, dahon ng laurel
2. Ilagay ang karne ng kambing sa ginisa
( puede iloto sa pressure cooker para mabilis ang paglambot ng karne)
3. hayaan kumulo ang karne, hangat sa malapit ng matuyuan ng tubig
ilagay ang kalawag at
4. lagyan ng asin pag lumambot na ang karne.
5. ilagay ang panggalawang gata ng niyog
6. ilagay ang carrots at patatas
7. pakuluin hangat maloto ang patatas at carrots
8. lagyan ulit ng palapa
9. ilagay ang unang gata
10. ilagay ang sibuyas na mura
11. ihain ng mainit
Subscribe to:
Posts (Atom)