Friday, November 23, 2012

BIYARING OR kinilaw na hipon

BIYARING



Ang Biyaring ay pang karaniwang pagkain ng mga maranao. Minsan nang mapasyal ako sa aming probinsya may mga dumadaan na naglalako ng hipon na maliliit at ito ang ginagawang biyaring. Hilaw na hipon or kinilaw sa tagalog.
Bihira lang ako makakain ng biyaring dahil kailangan ay buhay pa kapag gagawin ito or fresh. Nagrequest ako kay abay (auntie ko) kaya siya ang gumawa ng nasa picture na yan.



Mga sangkap


fresh Hipon 1 baso
luya, cubes
siling labuyo
talbos or dahon ng papaya  (optional) shrededed
calamansi (optional)


Paraan ng Pagluto

  Hugasan mabuti ang hipon,  tanggalin ang nguso ng hipon at ang buntot
  dikdikin ang luya at sili, ihalo ang hipon dikdikin
  pwedeng lagyan ng calamansi at ng dahon ng papaya
  Tanchahin ang mga sangkapan ayon sa timbang ng hipon
Masarap sa pritong isda at kanin.. enjoy!!

1 comment:

  1. Nakatikim ako dati ng biyaring...pero hinalo ito sa palapa. Pinatuyo (dried) muna ang biyaring.

    ReplyDelete