This blog is for muslim also non-muslim who wants to know how to cook Maranao Food and learning there culture and lifestyle.
Monday, March 30, 2009
BAKAS PIAPARAN
BAKAS piaparan ang tawag dito special din ito sa mga maranao. niloloto ito kapag may occasion o karaniwang araw. ang isda nito'y yellow fin, sa baloi maraming bakas na isda. tuwing pumupunta ako sa tugaya mapapadaan ka sa lugar na ito at marami nagtitinda ng bakas. specialty nila ang pagihaw sa yellow fin (parang tinapa ang paggawa nila).
Kung hindi available ang BAKAS puedeng Yellow fin na inihaw na buo bago hiwain.
BAKAS piaparan
Mga sakap:
1 buo BAKAS/ Yellow fin
1/2 laman ng Niyog na kinayod
2 kutsara PALAPA
1 kutsara KALAWAG
1 sibuyas
2 Stalk ng sibuyas na mura
2 red bell peppers
2 kutsara asin
Paraan ng pagluto
a. Bakas-isda na loto na b. ihawin ang yellow fin hangang maloto
1. hugasan ang bakas
2. hiwain ng karaniwan hiwa tama lang sa isang tao ang laki.
3. ilagay sa kaserola isa isa ang nahiwang isda
4. lagyan ng palapa at kalawag
5. lagyan ng asin medyo maalat dapat para kumapit ang lasa sa isda
6. ilagay ang sibuyas, niyos at bell pepper
7. lagyan ng tubig kapantay ng bakas
8. atsaka iloto ng 10 minuto o hangang sa maloto ang isda
9. pag malapit ng maloto saka ilagay ang sibuyas na mura
10. ihain habang mainit.
tips:
kung gusto nyo matigas ang laman ng isda buksan ang takip habang kumukulo ang nilolotong bakas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Assalamualaikum! Masarap talaga ang lutong Maranao. Gusto ko rin matuto pano magluto nito. Ang paborito ko eh yung Chicken Papar at Beef Rendang na may sabaw. Sana maipost mo dito kapatid ang recipe. Maraming Salamat!
ReplyDeletealhamdulillah! insaallah maipopost ko dito yong chicken papar at beef rendang.salamat benabubakr.
ReplyDeletesalam!!!post nyo naman ung karne ng karabaw na ginataan..thanks
ReplyDeletepleae post beef rendang recipe, want to cook it for someone special thanks. i am not a muslim and he is... thanks :)
ReplyDeleteHello! Estudyante po ako! Mag gagawa po kasi kami ng Cultural Festival. At para sa grupo po namin, napili po namin ang Maranao. :) Kailangan po namin maghanda isa/dalawang pagkain. At nakakita po ako ng sobrang daming puwede. Pero sa tingin niyo po, ano po ang pinaka magandang ihanda? Yung maaring i-encapsulate and kultura ng Maranao? Salamat po!
ReplyDeleteAdriann Caldozo= adriannjc@gmail.com
Sana'y mabasa niyo po agad ito! :D
Sana may recipe ka ng palapa
ReplyDeletePlease post how to make apang. Thank you.
ReplyDeletePlease post how to make apang. Thank you.
ReplyDeletemas masarap lutong muslim ang RYANDANG,KARNE KARABAO
ReplyDelete