Saturday, November 7, 2020

Creepy odang

 Hi! Ito ang kauna unahan kong video. Bilang pasimula sa aking pagba VLOG! Abangan po dito at sa facebook page ko. 


Tuesday, July 23, 2013

PAKBOL



PAKBOL

Isa sa mga meryenda namin ang Pakbol, Ito ay saging na binalutan ng kamoteng kahoy











Mga Sangkap




1 kilo kinudkud kamoteng kahoy

1 pegeng saging na saba

asukal

mantika




Paraan ng Paggawa




1. Kudkurin ang kamoteng kahoy tanggalin ang katas nito

2. Sa isang plastic na manipis (supot hatiin sa dalawa) maglagay ng 2 kutsarang kinudkud na kamoteng kahoy

takpan ng kabilang plastic at irolyo ang kamoteng kahoy para maflat

3. Ilagay ang saging na saba at balutin ito ng naflat na kinudkud na kamoteng kahoy

4. Iprito sa mantika hanggang sa maging golden brown

5. Budburang ng asukal

Wednesday, May 29, 2013

Kinilaw na tanigue ala Maranao





Ingredients
1/2 fresh tanigue meat,cubes

2 pcs small onions, chopped

3 pcs tomatoes, chopped

4 pcs siling haba, chopped
3 tbsp ginger, chopped

3 tbsp siling labuyo, chopped

1 whole cucumber,chopped

385ml vinegar/suka1 can evap milk

Procedure:

-wash fresh tanigue meat with vinegar or suka.drain

- add half of the remaining vinegar let it stand for 15minutes or more

-add the sili labuyo. sprinkle with salt to taste.

-add the remaining ingredients tomatoes, cucumber, siling haba and ginger

-add evap milk. salt to taste


Friday, November 23, 2012

BIYARING OR kinilaw na hipon

BIYARING



Ang Biyaring ay pang karaniwang pagkain ng mga maranao. Minsan nang mapasyal ako sa aming probinsya may mga dumadaan na naglalako ng hipon na maliliit at ito ang ginagawang biyaring. Hilaw na hipon or kinilaw sa tagalog.
Bihira lang ako makakain ng biyaring dahil kailangan ay buhay pa kapag gagawin ito or fresh. Nagrequest ako kay abay (auntie ko) kaya siya ang gumawa ng nasa picture na yan.



Mga sangkap


fresh Hipon 1 baso
luya, cubes
siling labuyo
talbos or dahon ng papaya  (optional) shrededed
calamansi (optional)


Paraan ng Pagluto

  Hugasan mabuti ang hipon,  tanggalin ang nguso ng hipon at ang buntot
  dikdikin ang luya at sili, ihalo ang hipon dikdikin
  pwedeng lagyan ng calamansi at ng dahon ng papaya
  Tanchahin ang mga sangkapan ayon sa timbang ng hipon
Masarap sa pritong isda at kanin.. enjoy!!

Monday, January 31, 2011

Rendang




Salamat kay lidwa para sa photo ng rendang, hindi kasi ako nakagawa dahil biglaan po at by request ang beef rendang isa sa mga reader po ng maranaorecipe

Ang beef rendang ay inihahanda ito tuwing may mahalagang okasyon, special ang putahe na ito dahil nga sa beef ang gamit nito atsaka mahirap iang proseso ng paggawa.


BEEF RENDANG


Mga Sangkap

Beef o Baka 1 kilo (para sa 20 katao)
Tiyolo/niyog 1 kilo
Niyog 1 kilo,(kakang gata 1 baso)
Bell peppers (ordinaryong slice) medium 2 pcs
sibuyas (ordinaryong slice) 1 large
sibuyas na mura
bawang 1 kutsara
PALAPA 1/2 cup (kung gusto ng mas maanghan)
KALAWAG 2 kutsara
Patatas (optional) 2 pcs malalaki hiwain sa apat
Dahon ng Laurel 6 na piraso




Paggawa ng tiyolo

1. sangagin ang niyog hangang sa maloto at kulay brown, bantayan at dapat mahina ang apoy dahil madali itong masunog.
2. dikdikin upang maging pino (dikdikin habang mainit) dahil malotong pa ito at madaling dikdikin.
3. itabi


Paraan ng Paggawa



1. Igisa ang karne ng baka sa bawang at sibuyas at ng palapa,ilagay ang tiyolo sa karne, bell peppers, dahon ng laurel. haluin
2. Palambutin ang karne ng baka ng 15 mins. gamit ang pressure cooker para sa mabilis na paglambot ng karne o kung walang pressure cooker mga 40 mins.
3. Kapag lumambot na ang baka Ilagay ang patatas atsaka ilagay ang pangalawang gata (3 baso approx.) kung mahilig sa sabaw pwedeng mas damihan ng tubig. ilagay ang kalawag, asin ayon sa panlasa pero mas mainam na medyo maalat
4 .Kapag malambot na ang patatas ilagay ang kakang gata (unang gata)
5. Pakuluin tapos ilagay ang sibuyas na mura. ihain kasama ang kanin

Sunday, December 26, 2010

INALOBAN A TILAPYA



Paborito ito ng aking asawa kaya palagi ito ang niloloto ko, pwede kahit anong isda basta inihaw.

Inaloban a Tilapya


Mga Sangkap



1 kilo tilapia
niyog
Talbos ng kamoteng kahoy
kagoko o bell peppers
1 sibuyas
Asin
KALAWAG
PALAPA

Paraan ng Pagluto


1. Ihawin ang tilapia. itabi
2. sa isang kaserola ilagay ang inihaw na tilapia
3. Ilagay ang mga sangkap 1/2 kutsara ng kalawag, asin, palapa, at kagoko o bell peppers
4. Ilagay ang 2 o 3 baso pangalawang gata, depende kung gusto mo ng masabaw, pakuluin
5. ilagay ang 1 basong kakang gata (unang gata), pakuluin
6. Ilagay ang talbos ng kamoteng kahoy
7. ihain kasama ang kanin

Monday, December 20, 2010

Phesasati-a-odang




Isa ito sa mga handa namin para sa kandori (handaan kahit anong okasyon)


PHESASATI-A-ODANG


Mga Sangkap


1 kilo fresh Odang/ hipon
1 niyog (tiyolo)
palapa
1 sibuyas
1/2 cup bell pepper(kagoko)
4 na itlog

Paraan ng Pagluto:

1. Ihanda ang Tiyolo. sangagin ang niyog hanggang sa maging brown ito at itabi
2. sa ibang lalagyan ilagay ang fresh odang o hipon sa isang mixing bowl
3. ihalo ang tiyolo sa odang kasama ang palapa
4. ilagay ang sibuyas at bell peppers o kagoko
5. Paghaluin ang lahat ng sangkap lagyan ng asin ayon sa panlasa at dikdikin upang mahalo ng husto
6. ihalo ang itlog paisa isa at tansahin ang paglagay ng itlog para hindi maging malapot baka hindi mahulma
7. ihulma ng pabilog o kahit ano na hugis na nais mo.
tips: kung walang hulmahan gumamit ng takip ng garapon yong tama lang ang laki, isuot sa platic para madaling matangal
8. Iprito sa mantika
9. Ihanda habang mainit kasama ang kanin