PAKBOL
Isa sa mga meryenda namin ang Pakbol, Ito ay saging na binalutan ng kamoteng kahoy
Mga Sangkap
1 kilo kinudkud kamoteng kahoy
1 pegeng saging na saba
asukal
mantika
Paraan ng Paggawa
1. Kudkurin ang kamoteng kahoy tanggalin ang katas nito
2. Sa isang plastic na manipis (supot hatiin sa dalawa) maglagay ng 2 kutsarang kinudkud na kamoteng kahoy
takpan ng kabilang plastic at irolyo ang kamoteng kahoy para maflat
3. Ilagay ang saging na saba at balutin ito ng naflat na kinudkud na kamoteng kahoy
4. Iprito sa mantika hanggang sa maging golden brown
5. Budburang ng asukal