Monday, January 31, 2011

Rendang




Salamat kay lidwa para sa photo ng rendang, hindi kasi ako nakagawa dahil biglaan po at by request ang beef rendang isa sa mga reader po ng maranaorecipe

Ang beef rendang ay inihahanda ito tuwing may mahalagang okasyon, special ang putahe na ito dahil nga sa beef ang gamit nito atsaka mahirap iang proseso ng paggawa.


BEEF RENDANG


Mga Sangkap

Beef o Baka 1 kilo (para sa 20 katao)
Tiyolo/niyog 1 kilo
Niyog 1 kilo,(kakang gata 1 baso)
Bell peppers (ordinaryong slice) medium 2 pcs
sibuyas (ordinaryong slice) 1 large
sibuyas na mura
bawang 1 kutsara
PALAPA 1/2 cup (kung gusto ng mas maanghan)
KALAWAG 2 kutsara
Patatas (optional) 2 pcs malalaki hiwain sa apat
Dahon ng Laurel 6 na piraso




Paggawa ng tiyolo

1. sangagin ang niyog hangang sa maloto at kulay brown, bantayan at dapat mahina ang apoy dahil madali itong masunog.
2. dikdikin upang maging pino (dikdikin habang mainit) dahil malotong pa ito at madaling dikdikin.
3. itabi


Paraan ng Paggawa



1. Igisa ang karne ng baka sa bawang at sibuyas at ng palapa,ilagay ang tiyolo sa karne, bell peppers, dahon ng laurel. haluin
2. Palambutin ang karne ng baka ng 15 mins. gamit ang pressure cooker para sa mabilis na paglambot ng karne o kung walang pressure cooker mga 40 mins.
3. Kapag lumambot na ang baka Ilagay ang patatas atsaka ilagay ang pangalawang gata (3 baso approx.) kung mahilig sa sabaw pwedeng mas damihan ng tubig. ilagay ang kalawag, asin ayon sa panlasa pero mas mainam na medyo maalat
4 .Kapag malambot na ang patatas ilagay ang kakang gata (unang gata)
5. Pakuluin tapos ilagay ang sibuyas na mura. ihain kasama ang kanin