This blog is for muslim also non-muslim who wants to know how to cook Maranao Food and learning there culture and lifestyle.
Sunday, December 26, 2010
INALOBAN A TILAPYA
Paborito ito ng aking asawa kaya palagi ito ang niloloto ko, pwede kahit anong isda basta inihaw.
Inaloban a Tilapya
Mga Sangkap
1 kilo tilapia
niyog
Talbos ng kamoteng kahoy
kagoko o bell peppers
1 sibuyas
Asin
KALAWAG
PALAPA
Paraan ng Pagluto
1. Ihawin ang tilapia. itabi
2. sa isang kaserola ilagay ang inihaw na tilapia
3. Ilagay ang mga sangkap 1/2 kutsara ng kalawag, asin, palapa, at kagoko o bell peppers
4. Ilagay ang 2 o 3 baso pangalawang gata, depende kung gusto mo ng masabaw, pakuluin
5. ilagay ang 1 basong kakang gata (unang gata), pakuluin
6. Ilagay ang talbos ng kamoteng kahoy
7. ihain kasama ang kanin
Monday, December 20, 2010
Phesasati-a-odang
Isa ito sa mga handa namin para sa kandori (handaan kahit anong okasyon)
PHESASATI-A-ODANG
Mga Sangkap
1 kilo fresh Odang/ hipon
1 niyog (tiyolo)
palapa
1 sibuyas
1/2 cup bell pepper(kagoko)
4 na itlog
Paraan ng Pagluto:
1. Ihanda ang Tiyolo. sangagin ang niyog hanggang sa maging brown ito at itabi
2. sa ibang lalagyan ilagay ang fresh odang o hipon sa isang mixing bowl
3. ihalo ang tiyolo sa odang kasama ang palapa
4. ilagay ang sibuyas at bell peppers o kagoko
5. Paghaluin ang lahat ng sangkap lagyan ng asin ayon sa panlasa at dikdikin upang mahalo ng husto
6. ihalo ang itlog paisa isa at tansahin ang paglagay ng itlog para hindi maging malapot baka hindi mahulma
7. ihulma ng pabilog o kahit ano na hugis na nais mo.
tips: kung walang hulmahan gumamit ng takip ng garapon yong tama lang ang laki, isuot sa platic para madaling matangal
8. Iprito sa mantika
9. Ihanda habang mainit kasama ang kanin
Friday, December 10, 2010
KALAWAG
PALAPA
PALAPA- nilalagay ito sa pagkain para pampalasa. maanghang ito dahil sa mga sangkap nito na luya at sili.
Sangkap ng Paggawa ng PALAPA:
(approx 1 baso)
~Sakurab-1 tali
~Luya- 1 buo malaki
~Siling Labuyo- 20 piraso
Paraan ng paggawa ng palapa:
1. hugasan ang sakurab, luya at hiwain
2. Dikdikin kasama ang siling labuyo hangang sa mahalo ang mga sangkap
3. kung may natira pang palapa pude pang gamitin sa iba pang maranao recipe ilagay lang sa refrigerator. tumatagal hangang 1 linggo budburan lang ng asin
Sangkap ng Paggawa ng PALAPA:
(approx 1 baso)
~Sakurab-1 tali
~Luya- 1 buo malaki
~Siling Labuyo- 20 piraso
Paraan ng paggawa ng palapa:
1. hugasan ang sakurab, luya at hiwain
2. Dikdikin kasama ang siling labuyo hangang sa mahalo ang mga sangkap
3. kung may natira pang palapa pude pang gamitin sa iba pang maranao recipe ilagay lang sa refrigerator. tumatagal hangang 1 linggo budburan lang ng asin
SAKURAB
Subscribe to:
Posts (Atom)